Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Winn Collier

Maging Matapang

Makikita sa London Parliament Square ang mga estatwa ng mga kilalang kalalakihan tulad nina Nelson Mandela, Mahatma Gandhi at Winston Churchill. Si Millicent Fawcett naman na nakipaglaban para sa karapatang bumoto ng mga kababaihan ang nag-iisang babae na may estatwa roon. Makikitang may hawak itong bandila na may nakasulat na, “Courage calls to courage everywhere.” Iginiit niya na ang pagpapakita ng…

Hindi Inaasahang Mananalo

Noong 2018 Winter Olympics, isang kamanghamanghang pangyayari ang nasaksihan ng mga tao. Ang kampeon ng snowboarding na si Ester Ledecka na taga Czech Republic ay nanalo sa skiing. Nasungkit niya ang gintong medalya sa skiing gayong hindi ganoon kaganda ang kanyang record sa larong ito. Tila imposible siyang manalo.

Labis na nagulat ang mga tao nang maipanalo niya ito ng .01…

Paghihiganti

Si Malcolm Alexander ay nakulong sa kasalanang hindi naman niya ginawa. Hindi siya naipagtanggol ng kanyang abogado at kahina-hinala ang mga imbestigasyong ginawa laban sa kanya. Noong Enero 30, 2018, sa wakas ay nakalaya na siya dahil napatunayang wala talaga siyang kasalanan. Sa kabila ng halos 4 na dekadang pagkakakulong, sinabi niya na hindi siya dapat magalit at sayang ang oras…

Maging Matapang

Noong panahon ni Hitler, maraming mga pinuno ng simbahan ang napapasunod niya dahil sa takot. May mga matatapang naman na hindi nagpasindak kay Hitler. Isa na rito si Pastor Martin Niemöller. Noong panahon ng mga 1970, napagkamalan na mas bata si Pastor Martin kumpara sa mga kasama niyang mga pastor kahit 80 taong gulang na siya. Hindi siya masyadong tumanda dahil…

Maling Impormasyon

Nagpunta kami noon ng aking asawa sa New York. Isang gabi, nagpasya kami na magpunta sa isang kainan kahit maginaw. Humanap kami ng taxi sa pamamagitan ng isang app sa cellphone. Nagulat ako nang napakamahal ng pamasahe samantalang 3 milya lang naman ang layo ng kainan mula sa hotel na tinutuluyan namin. Ilang sandali pa, napagtanto ko na nagkamali pala ako ng…